2011 Theme: SOLIDARITY
Events
Click Here to view event details. Limited Edition T-shirts
Thank you for supporting us!
| Proklamasyon
_
Magsiawit, mga Koro ng mundo! Magdala nawa ng bukal ang inyong mga tinig Sa mga tinutupok ng apoy. Maglagay nawa ng rosas ang inyong mga awitin Sa pinaghihimlayan ng pook digmaan. Putika'y bungkalin at hasikan ng pag-ibig Upang mga bunga ng pag-asa'y anihin. Umawit ng kalayaan kung saan naghahari ang mapaniil. Umawit ng pagkapantay-pantay kung saan kahirapa'y nananahan Umawit ng pag-ibig kung saan poot ay namamayani Pamahalaan nawa ng inyong pag-awit ang buong daigdig Upang sakupin ng kapayapaan ang digmaan Upang ang mundo'y kalingain ng lahat, Upang maitaboy ang pang-aapi batay sa kulay o lahi, Upang lahat ay magkasama-sama bilang magkakapatid Upang ang mundo ay magbunyi kasabay ng inyong mga tinig Translated to Filipino by Joy T. Nilo [ PCDA Director ]. IFCM World Choral Day website
|